Ang Governance Voting ng MAP Protocol
Sa proseso ng voting, may dalawang uri ng approach sa market:
- Voting nang may kasamang lock-up at
- Voting sa pamamagitan ng snapshot ng address at walang lock-up
Kung iko-consider ang market value, ang voting nang may kasamang lock-up ang mas magdudulot ng maganda sa mga miyembro ng komunidad sa pangmatagalan; subalit, malalagay sa alanganin ang mga user dahil sa mga price fluctuation sa mga MAP token. Paano iso-solve ang ganitong problema?
Nag-propose ang core development team ng MAP Protocol na makipagtulungan sa Idavoll at gumawa ng lock-up voting gamit ang kanilang advanced na mga technological module. Ang mekanismong pino-provide ng Idavoll ay hindi makakaapekto sa liquidity ng mga user sa komunidad at maaari pa itong magdagdag ng mga module para sa derivatives ng MAP token.
Ang mga detalye ay ang sumusunod:
- Ag ng mga user ay magde-deposit ng mga MAP tokens sa staking module ng Idavoll, na tumatagal ng 90 na araw kada termino. Ang mga user ay maaari ulit mag-stake sa susunod na termino.
- Ang mga user ay makakakuha ng 12% APY sa mga tokens na naka-lock-up.
- Samantala, ang mga user ay makakakuha rin ng XMAP bilang voucher.
- Ang bawat XMAP ay automatic na mag-ge-generate ng isang GMAP (governance MAP) at isa ring YMAP (yield MAP). Ang GMAP ay isang voting token, habang ang YMAP ay isang yield token.
- Ang mga user ay maaaring mag-participate sa mga governance events kapag mayroon silang GMAP tokens.
- Ang mga user na ayaw dumaan sa mga prosesong nasa itaas ngunit gustong mag-participate sa governance ay maaaring bumili ng GMAP nang direkta mula sa HiveSwap.
- Ililista ng HiveSwap ang pair na XMAP/MAP para siguraduhin ang mga uses na may MAP lock-up na malaya nila magagamit ang mga MAP tokens (kung titingnan theoretically, ang XMAP ay naglalaman ng 12% ng APY at ang presyo ay mas mataas nang 12% kumpara sa presyo ng MAP).
- Ililista ng HiveSwap ang pair na XMAP/GMAP. Ang initial nitong presyo ay naka-set sa 1 GMAP = 0.2 XMAP. Magbabago-bago ang presyo nito sa market.
- Ililista ng HiveSwap ang pair na XMAP/YMAP. Ang initial nitong presyo ay naka-set sa 1 YMAP = 0.8 XMAP. Magbabago-bago ang presyo nito sa market.
- Kung ang mga user ay nais mag-withdraw ng kanilang MAP tokens mula sa staking pool, maaari nilang pagsamahin ang kanilang mga GMAP at YMAP sa ratio na 1:1 at makuha ang corresponding na total na mga XMAP. Pagkatapos nito ay maaari na nilang ipalit ang mga XMAP sa mga MAP tokens.
- Kailangan ng mga users na i-swap ang mga MAP tokens sa ETH o USDC sa HiveSwap.
- Ang team ng MAP Protocol ay mayroong 33% na voting rights sa bawat proposal.
Reward proposal:
- Ang Voting governance at MAP staking sa loob ng 90 na araw, 12% ang APY.
- Ang pag-a-add ng XMAP/MAP na pair, 5% ang APY.
- Ang pag-a-add ng YMAP/XMAP na pair at GMAP/XMAP na pair, 5% ang APY.
About Map Protocol
Ang MAP Protocol ay ang pangwakas na omnichain layer ng WEB3 na may kakayahang magpatunay sa ligtas na cross-chain communication na binuo sa teknolohiyang Light-client at ZK technology. Nagbibigay ang MAP ng tuloy-tuloy na komunikasyon sa lahat ng chain at nagkokonekta sa mekanismong EVM at Non-EVM. Kayang pasukin ng mga developers ang isang buong hanay ng mga SDK upang ang kanilang mga DApp ay madaling maging omnichain applications.
Manatiling nakatutok sa mga bagong balita sa MAP Protocol
Community Chat sa Discord
Latest Updates sa Twitter
Mga karagdagang impormasyon sa Whitepaper
Orihinal na Bersyon sa Ingles
At marapating subaybayan ang Channel na ito