Mga Update Sa Ambassador Program ng MAPO

MAPO Philippines
5 min readDec 19, 2022

--

Ngayong umabot na sa mahigit 2,000 miyembro ang Discord server ng MAPO, tiyak namin na ang komunidad ng MAPO ay patuloy na lumalawak. Hanggang ngayon, dalawang ambassador program ng MAPO — ang community ambassador program at ang dev ambassador program — ay isang

Maraming miyembro ng komunidad na hindi napili sa programa o nahuli sa pagpapasa ng aplikasyon ay nagtatanong pa rin kung maaari pa bang pumasok sa programa ngayon. Dahil isang guiding principle ng MAPO ang pagiging transparent, narito ang mga update tungkol sa dalawang ambassador program.

Ambassador Highlights:

1.) Ipinakilala ni 🇷🇺Russian Community Ambassador Роман ang MAP Protocol sa kanyang YouTube channel Roman Crypto

Noong onboarding quest, ang ating miyembro ng komunidad na si Роман ay nagbigay ng kanyang kontribusyon sa pamamagitan ng pagpapakilala ng MAP Protocol sa YouTube. Sa kanyang video, ginabayan ni Роман ang kanyang mga manonood sa bawat pahina ng website ng MAP Protocol, pinaliwanag ang mga impormasyon tungkol sa MAP Protocol token, at inimbitahan niya rin ang kanyang lokal na komunidad sa MAP Protocol.

2.) Ibinahagi ni Dev Ambassador Nat ang kahalagahan ng MAP Protocol sa kanyang technical analysis na article.

Naging interesado matapos mabasa ang aming article tungkol sa paghahatid ng light client cross-chain bridge sa NEAR at BNB Chain sa The Block, agad na nagsumite ng aplikasyon ang blockchain bridge enthusiast at expert na si Nat, at nagpadala ng mensahe sa amin sa Discord upang makakuha pa ng teknikal na detalye ukol sa aming omnichain solution. Matapos ang diskusyon kasama ang aming core dev at pagbabasa sa mga dokumentasyon ng MAPO, nagsulat si Nat at ibinahagi ang MAP Protocol bilang universal layer para sa cross-chain communication.

🦋 MAPO Community Ambassador Program

Nagsimula ang MAPO community ambassador program noong ika-10 ng Nobyembre. Sa loob lamang ng ilang araw, mahigit 300 na aplikante ang nagpasa ng application form. Pagkatapos ng isang linggong pagsusuri at pagtsi-check, nagpasya kami na itaas ang bilang ng slot ng ambassador sa 40 noong ika-23 ng Nobyembre at pumili ng 30 na mga ambassador mula sa South Africa, Indonesia, Pilipinas, Ukraine, Vietnam, Estados Unidos, at Russia na magsimula ng sa kanilang MAPO journey mula ika-25 ng Nobyembre.

Tatlong stages ng advancement sa ambassador program:

1.) Trial

Ito ang iyong unang hakbang upang maging isang ambassador. Kapag makapagbibigay ka ng tuluy-tuloy na kontribusyon sa komunidad ng MAPO sa loob ng kahit apat na linggo, maaari kang mag-progress tungo sa full Ambassador na status.

2.) Ambassador

Gagawin mo ang mga required na daily at weekly na gawain pati ang mga task na napili mong tapusin. Malaya kang makakapag-pitch ng mga ideya sa team o sa ibang mga Ambassador. Susuportahan ka namin sa iyong mga initiative para sa MAPO. Ang iyong misyon ay ipalaganap ang mabuting balita tungkol sa MAPO sa abot ng iyong makakaya.

3.) Lead Ambassador

Kapag ang isang Ambassador ay nakapagbigay ng mahahalaga at tuluy-tuloy na value sa komunidad ng MAPO, maaari kang bigyan ng MAPO team ng pagkakataong mag-advance bilang isang Lead Ambassador. Ang mga Lead Ambassador ay nagsisilbing lider na pinamumunuan ang mga rehiyonal na komunidad at may mas mataas na antas ng responsibilidad.

Note: Bagama’t lahat ng mga ambassador ay nasa kanilang trial stage, pumili kami ng limang ambassador na aktibong nagpapakita ng kontribusyon sa komunidad bilang Lead Ambassador upang tumulong mamahala sa komunidad sa ngayon. Ang lahat ng mga hindi napiling Lead Ambassador ay tinatawag na Apprentice.

🌀 MAPO Dev Ambassador Program

Ang MAPO Dev Ambassador Program ay inumpisahan isang linggo matapos magbukas ang community ambassador program. Nag-set kami ng iba at mas mataas na ekspektasyon para sa mga magiging Dev ambassador. Upang mapili bilang MAPO Dev ambassador, required ang pagkakaroon ng experience sa pagdedevelop sa blockchain. Dahil dito, hindi kami nasorpresa na hanggang ngayon, nasa 50 na aplikasyon pa lang ang aming natanggap.

Ang pangunahing pagkakaiba ng mga dev ambassador at ng mga community ambassador ay ang kanilang responsibilidad. Bagama’t ang dalawang programa ay tungkol sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa MAPO sa anumang paraan, ang mga dev ambassador ay kinakailangan ang mas malalim na pag-aanalisa sa mga mekanismong teknikal ng MAP Protocol at palawakin ang komunidad ng mga developer sa MAPO.

🌱 Community Q&As

1.) Bukas pa ba ang dalawang Ambassador program?

Ang MAPO Dev Ambassador Program ay bukas pa rin, habang ang MAPO Community Ambassador Program ay hindi na tumatanggap ng bagong aplikasyon; pero kung ikaw ay isang native speaker ng Chinese, Japanese, at Russian, maaari kang mag-apply para sa program. Upang magsumite ng aplikasyon, sumali sa aming Discord at ipakilala mo ang iyong sarili sa ambassador-program na channel.

2.) Kailan ang susunod na pagbubukas ng Community Ambassador Program?

Muling tatanggap ng mga aplikasyon ang MAPO Community Ambassador Program sa susunod na taon, at tinatayang sa bandang katapusan ng Marso o sa mga unang linggo ng Abril, subalit ang eksaktong petsa ay maaaring magbago depende sa paglawak ng komunidad.

3.) Hindi ako isang Ambassador, pero gusto ko pa ring magbigay ng kontribusyon sa Map Protocol. Ano ang dapat kong gawin?

Unang-una sa lahat, maraming salamat sa iyong suporta sa MAP Protocol! Bilang bahagi ng komunidad, maaari ka pa ring mag-contribute sa MAP Protocol sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa aming mga events gaya ng mga AMA, giveaway, at weekly quiz, pagsuporta sa amin sa Twitter, at sa pakikisalamuha sa iyong mga kasamahan sa MAP sa Telegram at Discord. Makikita ka at mapapansin ng aming mga Ambassador at ang MAPO team, at bibigyan ka ng karangalan sa iyong mga kontribusyon.

Ito ang mga update tungkol sa MAPO Ambassador Program. Salamat sa pagiging bahagi ng komunidad ng MAPO. Pinuno mo ang MAPO space ng katangi-tanging talino, pagkamalikhain, at dedikasyon.

Quote: Gaya ng isang kasabihan, “kung gusto mong kumilos nang mabilis, kumilos kang mag-isa. Kung gusto mong makarating nang malayo, kumilos nang sama-sama.” Ang komunidad ng MAPO ang pinakamahalagang bagay sa amin. Sama-sama tayong maglalakbay nang malayo

About Map Protocol

Ang MAP Protocol ay ang pangwakas na omnichain layer ng WEB3 na may kakayahang magpatunay sa ligtas na cross-chain communication na binuo sa teknolohiyang Light-client at ZK technology. Nagbibigay ang MAP ng tuloy-tuloy na komunikasyon sa lahat ng chain at nagkokonekta sa mekanismong EVM at Non-EVM. Kayang pasukin ng mga developers ang isang buong hanay ng mga SDK upang ang kanilang mga DApp ay madaling maging omnichain applications.

Manatiling nakatutok sa mga bagong balita sa MAP Protocol

Community Chat sa Discord

Latest Updates sa Twitter

Mga karagdagang impormasyon sa Whitepaper

Orihinal na Bersyon sa Ingles

At marapating subaybayan ang Channel na ito

--

--

MAPO Philippines
MAPO Philippines

Written by MAPO Philippines

Ganap na desentralisadong omnichain layer para sa Web3 na posibleng pinaka secure cross chain communication na binuo sa Light-client & zk tech.

No responses yet